Minsan may isang doktor

 Ang kwentong "Minsan May Isang Doktor" ay tungkol sa isang doktor na tumugon sa isang emergency upang sagipin ang buhay ng isang bata. Ngunit sa kabila ng kanyang pagsisikap, nakaranas siya ng panghuhusga mula sa ama ng pasyente dahil sa kanyang pagkaantala. Sa huli, nalaman ng ama na namatayan pala ng anak ang doktor noong araw ding iyon.


Nagustuhan ko ang kwento dahil ipinakita nito kung paano minsan ay hinuhusgahan natin ang iba nang hindi natin alam ang pinagdaraanan nila. Sa simula, inisip ng ama ng pasyente na pabaya ang doktor, ngunit sa dulo ng kwento, lumabas ang masakit na katotohanan—nawala rin ang anak ng doktor. Dito ko naisip na dapat maging maunawain tayo sa ibang tao dahil hindi natin alam ang kanilang pinagdadaanan.


Isa pang mahalagang punto sa kwento ay ang pananampalataya ng doktor. Kahit na may sariling pinagdadaanan siya, nagpatuloy siya sa kanyang tungkulin. Nakakaantig ito dahil ipinakita nito ang pagiging propesyonal at dedikasyon ng mga doktor sa kanilang trabaho.


Gayunpaman, napansin ko rin na parang kulang ang mechanics ng kwento, lalo na sa paggamit ng quotation marks (" "). Dahil walang malinaw na pagkakahiwalay sa mga sinasabi ng mga tauhan, medyo nakakalito basahin ang ilang bahagi. Mas magiging malinaw sana ito kung may tamang gamit ng mga bantas para mas madaling maunawaan ng mambabasa.


Sa kabuuan, isang makabuluhang aral ang dala ng kwentong ito—ang pagiging mapagpasensya at hindi agad humuhusga sa iba. Ipinakita rin dito ang sakripisyo ng mga doktor para sa kanilang mga pasyente. Isa itong kwento na magpapaisip sa atin na maging mas maunawain sa ibang tao. Ngunit, magiging mas epektibo sana ang mensahe ng kwento kung mas maayos ang mechanics nito, lalo na sa paggamit ng quotation marks upang mas malinaw ang dayalogo.


Bernales, R. A., et al. Minsan May Isang Doktor, pp. 23-24.

Comments